CCP Tanghal Panitik
CCP Tanghal Panitik
Ito ay serye ng pagtatanghal ng tula, kuwento, sanaysay, nobela at iba pang anyo ng panitikan, tampok ang mga manunulat at performer mula sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. Layunin nito ang muling ilapit sa madla ang mga obra mula sa mga klasiko, tradisyonal, makabago, at kontemporanyong librong Filipino, gayundin ang obra ng mga Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan. Layunin din nitong gawing entablado ang mga natatanging lunan gaya ng aklatan, museo, cafe, at restaurant.